@kalinawdigital: Mahalaga para sa isang sundalo na magampanan ang tawag ng tungkulin saan man mapadpad at sa anumang pagkakataon. Para sa isang sundalong ina, napakahirap ang maglaan ng oras para sa pamilya dahil sa tungkulin at mga hinihingi ng serbisyo. Gayunpaman, kahit na mabigat ang trabaho, patuloy pa rin ang pagsisikap na maipadama ang wagas na pagmamahal sa pamilya sa kahit na anong paraan. Para kay SMS Maria Teresa L Parcasio, maraming kinakaharap na mga hamon ang pagiging babaeng kawal at isang ina. Bilang isang sundalong ina na naigugugol ang mahabang panahon sa paglilingkod, napakahirap isipin kung papaano maalagaan at magabayan ang pamilya, lalung lalo na kung madedestino sa malalayong lugar at may mga problemang kinakaharap. Ngunit ang pagkapit sa Panginoon ay mabisang sandata para malampasan ang lahat ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Tunay nga na ang pagmamahal ng isang ina ay naiiba sa ibang pagmamahal. Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, nakikiisa ang Hukbong Katihan ng Pilipinas sa pagbati sa lahat ng mga babaeng kawal at ina sa kanilang kadakilaan at sakripisyo para sa bayan at para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. #StrongUnitedReliable #PhilArmy #ARMY126