@ricxcyyy: Siya si Lolo Alejandro Delos Reyes 72 years old. Walang asawa, walang anak. Isa syang caretaker. 2k ang isang buwan niya. pero since, matanda na siya. Sa pangkain palang niya sa araw-araw. Kulang yung sahod niya. Nakaraan lang, sa sobrang tagal na nung bahay niya. Tumumba nung nagkaroon ng bagyo Dito na siya nakikikain saamin, kaso sa sobrang dami rin naman sa bahay at hirap din kami sa buhay. Hindi na rin kinakaya sa budget Hindi na nya maalala mga kapatid niya. Kahit pangalan ng mga kapatid niya. Minsan nagtitinda rin siya ng mga shampoo, creamsilk. Nagbabahay-bahay sya sa pgtitinda maski 1-2 pesos lang ang kitain niya. Maitawid lang ang gutom sa pang araw-araw. May pagkabingi na din si lolo, tapos payat. Lagi niyang iniinda na masakit ang mga tuhod niya. Pagod na pagod na sa buhay si Lolo. Pero lumalaban sya ng patas sa mundo. Hindi sya gumagawa ng masama.