@dzxlnews: Isa sa umano'y biktima ni Pastor Quiboloy, emosyonal na humarap sa Senado. Dito niya ibinahagi ang mga masasalimuot na karanasan na pinagdaanan niya sa kamay ni Quiboloy at sa relihiyon nito. Pinagsamantalahan habang siya ay menor de edad pa, at pinaniwala siyang hindi dapat kinukwestyon ang pananamantala sa kaniya dahil mali raw na kwestyunin ang Ama. Hindi lang daw dito natatapos ang mga pinagdaanan niya dahil pinaglimos, at pinag-solicit sila ng kaniyang kapatid. Ayon kay Alyas Amanda, sobrang naging traumatic ang mga pinagdaanan niya kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-recover. Sa ngayon ay ipina-subpoena na ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality si Pastor Apollo Quiboloy dahil no-show ito sa pagdinig kaugnay sa mga alegasyon laban sa kaniya. #DZXLNews #DZXL558 #fyp #fypシ #newsph #tiktoknewsph #SMNI #Quiboloy