@loren_legarda: Sa pagbubukas ng sesyon sa Senado, tayo’y pinasinayaan muli ng napakagandang pagtatanghal ng isang Panay Bukidnon Culture Bearer of Oral Traditions, Teresita Castor ng GAMABA Cultural Center sa karangalan ng Manlilikha ng Bayan Federico Caballero mula Calinog, Iloilo. Inawit ni Ginang Teresita ang “Humadapnon sa Tarangban,” ang ika-8 na titulo ng Suguidanon ng Panay Bukidnon, isang epiko na nagsasaad ng kuwento ni Humadapnon at kung paano nito ipinaglaban ang pagmamahal kay Malitong Yawa. Ang Suguidanon ay isang compilation ng sampung seksyon na kumakatawan sa mga mahalagang pag-uugali ng Panay Bukidnon heritage. Bilang masugid na taga suporta ng ating mga kultura at tradisyon, patuloy nating bibigyan ang ating cultural bearers ng suporta at plataporma na maibahagi ang natatangi nilang galing at kwento upang mabigyan pugay at mapayabong ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. #NationalArtsMonth #Heritage #CultureBearers #PanayBukidnon