@gmanews: Naging parte na ang paggamit ng plastic sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino, pero kasabay nito ang paglala ng isyu sa mismanagement ng plastic waste ng bansa. Dahil dito, binuo ng University of the Philippines Marine Science Institute ang Project PlastiCount Pilipinas kung saan ginagamit ang makabagong teknolohiya tulad artificial intelligence o AI para mas mapadali ang pagkolekta ng komprehensibong datos at maunawaan ang isyu ng plastic pollution sa mga lokal na komunidad. Alamin ang lumalalang isyu sa plastic waste mismanagement, ang epekto nito sa kalikasan, sa ating pagkain at ang mga hakbang kung paano ito solusyonan. #DigiDokyu