@annamaygomez: PART 1: Paano magsimula mag alaga ng manok? 1. Location - dapat nasa tamang location ka. Malayo dapat sa kapitbahay at dapat may access sa tubig at kuryente. 2. Purpose & plan - dapat may nakaset ka munang plano bago ka magsimula mag alaga. Alamin mo muna yung purpose mo kung bakit ka mag aalaga kasi hindi biro ang magpakain ng manok sa taas ng presyo ng feeds. Kung ang purpose mo ay gawin itong negosyo, dapat aralin mo munang mabuti kung paano mag alaga mula sisiw hanggang sa mangitlog. May mga free seminars online na makakatulong para matuto ka. Pag alam mo na kung papaano mo sila aalagaan. 3. Budget - bago mag alaga dapat malaman mo muna ang presyo ng manok simula sisiw hanggang sa nangingitlog na edad. Pati na rin presyo ng feeds. Dapat alam mo din yung dami ng kayang kainin ng mga manok mo hanggang sa maibenta mo sila. Sa ganitong mga paraan kasi masisigurado mo yung budget mo at mamamaximize mo yung pwede mong kitain. Pag may tanong po kayo icomment niyo lang po 💛 Happy Farming Everyone 🐣 -NEW YOLK POULTRY FARM #fypシ゚viral #fyp