@promdi_vlogs: Ang isang taong walang ibang pinagkakaabalahan kundi ang itsismis ang kanyang kapwa ay taong “insecure” at walang magawa sa buhay kundi abangan ang mangyayari sa buhay ng iba. Bakit siya “insecure”? Kasi akala nila “bida” na sila kapag nagsasalita sila ng mga pangit na bagay laban sa iba. Naghahanap din sila ng atensiyon ng kanilang kapwa kaya naghahanap sila ng “topic” na ibibida niya sa iba para lumabas na siya ay magaling. Bakit? Kasi walang ibang gustong kumausap sa taong tsismoso o tsismosa kung wala rin naman siyang sisiraan.