@labpatner: Gulat akong napatitig sa anak kong ingles kung magsalita. Sukat ba namang tanungin ako kung ampon ko daw ba siya? “Why are you giving me a random question?” binato ko din siya ng tanong na hinukay ko pa sa baol para lang maitawid ang pag-uusap na ito. “Because I want to go back to my own country,” walang pakundangang sagot ng tila ba isang munting binibini na ang sarap talaga ipa-deport. Wala akong ideya kung saan niya kinukuha ang mga ganitong usapan pero isa lang ang alam ko, dugo’t laman ko ang nananalaytay magsimula sa ulo hanggang paa ng isang bulinggit na ito. “But you’re a filipino! W-What are you thinking? D-Do you mean you’re originated from America? Stop dreaming!” uutal utal kong sagot ngunit nairaos ko naman. “I’m not a Filipino, I’m an American! I want to go back to my own country, right away!”mangiyak iyak niyang bulyaw saakin. Tila ako’y binuhusan ng malamig na tubig dahil bukod sa pagiisip kung ano o sino ang dahilan kung bakit niya iyan napagtatanto, e hindi ko alam kung saang baol na naman ba ako huhugot ng lakas,salita,parirala o pangungusap. Panginoon, tulungan mo ako.
🧿scorpio🏳️🌈
Region: PH
Friday 26 July 2024 06:47:45 GMT
Music
Download
Comments
Cali Gonzales🌷 :
HAHAHAHA ANG KYOT NG CONVO NIYONG DALAWA😅🥺🥰 tinapos ko talaga basahin e😅
2024-08-24 01:05:39
1
Jmn.. :
😂 kalpanaaaaa
2024-07-26 13:30:21
1
To see more videos from user @labpatner, please go to the Tikwm
homepage.