@news5everywhere: Nag-sorry si Sen. Bato Dela Rosa kay Antipolo Rep. Romeo Acop kasunod ng mga tirada ng senador sa House quad-committee na nag-iimbestiga sa #POGO at umano’y extrajudicial killings kaugnay ng drug war ng administrasyong Duterte. “Nagtataka lang po ako bakit ka nagre-react, hindi po ikaw ang pinatamaan ko doon, Sir. ‘Yung iba po, hindi ikaw. I’m very sorry,” saad ni Dela Rosa. Ayaw na ring patulan ng senador ang pagtawag sa kanya ni Rep. Acop na “lapdog” o sunod-sunuran. Giit pa ni Dela Rosa, isa si Rep. Acop sa kanyang mga iniidolo at hinahangaan bilang upper classman sa Philippine Military Academy #PMA. Matatandaang PMA Class 1970 si Rep. Acop habang PMA Class 1986 naman si Dela Rosa. #News5