@10_turbopascal_spcc: Sa bawat titik at salitang natutunan, nagiging malaya tayong hubugin ang ating kinabukasan. Ang wikang Filipino, bilang ating sariling wika, ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon kundi isang puwersang nagbibigay-buhay sa ating mga pangarap, adhikain, at kalayaan. Nasa ating mga kamay ang kapangyarihang ito gamitin natin upang buuin ang isang mas maliwanag at makatarungang lipunan para sa lahat ng Pilipino. Ang literasiya sa wikang Filipino ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan. Halina’t silipin at tuklasin ang isang makabuluhang dokyumentaryong inihain ng pangkat Turbo Pascal sa inyo, upang magbigay aral sa kapangyarihan ng literasiya sa wikang Filipino at ang papel nito sa paghubog ng isang mas makatarungan at maunlad na bayan. | @SPCC Caloocan Official | #Buwanngwika2024 #filipinowikangmapagpalaya #philippines #literatura #fypシ #documentary #documentaryfilm