@news5everywhere: Sa pagdinig sa panukalang 2025 budget ng Movie and Television Review and Classification Board #MTRCB, ipinaliwanag ni chairperson Lala Sotto-Antonio ang ibinigay na "X" rating sa documentary film na "Alipato at Muog." Tungkol ang "Alipato at Muog," na isa sa entries sa 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, sa pagdukot at pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos. Binanggit ni Sotto ang Presidential Decree No. 1986 kung saan nakasaad na maaaring ipagbawal ang pagpapalabas ng mga pelikulang nagpapahina sa tiwala at kumpiyansa ng publiko sa gobyerno at awtoridad. Paliwanag pa niya, binigyan naman nila ng exhibition permit ang pelikula para maipalabas sa Cinemalaya. "That is not curtailing freedom of expression nor creation," aniya. Ibinahagi rin ni Sotto na nag-apply na ang pelikula para sa second review na gaganapin sa Sept. 5. #News5 #NewsPH #BreakingNewsPH