@news5everywhere: Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na dapat sa Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) muna maidetene ang naarestong dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si #AliceGuo para makaharap siya sa pagdinig sa Lunes, Sept. 9. Dagdag pa ng senador, Senado ang pinakaunang nag-isyu ng arrest warrant, nagkasa ng manhunt, at Senate warrant din ang bitbit ng mga awtoridad nang arestuhin si Guo sa Jakarta, Indonesia. “Kung si Guo Hua Ping ay ‘di magpiyansa, ibig sabihin mas gusto pa niyang makulong sa PNP kaysa sa Senate. Why does she want to be in a jail? more than in the Senate Detention faciliy?” saad ni Hontiveros. #News5