@news5everywhere: Sinabi ni Pres. Bongbong Marcos na walang mangyayaring prisoner swap sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng pagkakaaresto kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ayon sa Pangulo, walang official request mula sa gobyerno ng Indonesia para sa palitan ng mga bilanggo. "Wala namang nag-swap. Walang swap," aniya. Matatandaang napaulat na gusto umanong kapalit ng Indonesia para kay Guo ang Australian drug suspect na si Gregor Johann Haas, na wanted sa Indonesia dahil sa kasong drug smuggling. Inaresto siya ng mga pulis at tauhan ng Bureau of Immigration sa Cebu nitong Mayo. #News5 #NewsPH #SocialNewsPH #BreakingNewsPH