@news5everywhere: Mas hihigpitan ng Commission on Elections ang guidelines sa paggamit ng social media at internet sa darating na 2025 elections. Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia sa pagharap niya sa pagdinig ng Senado sa proposed 2025 budget ng kagawaran, may malinaw na regulasyon sa TV, radio at print ads pero wala talagang regulation sa social media lalo na sa paggamit ng AI at deep fakes. Makikipagtulungan aniya ang COMELEC sa iba’t ibang platforms tulad ng Google, X at iba pa para mabilis na mapatanggal ang fake news, misinformation, at disinformation. Siniguro rin ni Garcia ang “whole government approach” para sa kampanyang ito. May partisipasyon dito ang DICT at PNP. #News5 #NewsPH #BreakingNewsPH #SocialNewsPH