@news5everywhere: Uminit ang ulo ni Sen. Jinggoy Estrada kay Tony Yang, ang nakatatandang kapatid ni dating economic adviser Michael Yang, nang humarap siya sa pagdinig ng Senado hinggil sa ilegal na Philippine offshore gaming operator (POGO) ngayong Martes, Sept. 24. “Alam mo, ginag*** tayo nitong Chinese national na ito. Marunong kang managalog at magbisaya, kunwari lang na hindi ka marunong. I know you understand Tagalog… Ginag*** mo kami. You’re making a fool out of us Filipinos here,” ayon kay Sen. Estrada. Inusisa ng mga senador ang mga negosyo na pagmamay-ari ni Yang, pati ang koneksyon niya sa mga matataas na opisyal ng gobyerno. Sinasabing may koneksyon umano si Yang Jian Xin o mas kilalang Tony Yang sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa. #News5