@abantenews: Hindi napigilan ng dalawang senador na sina Senador Juan Miguel Zubiri at Senador Alan Peter Cayetano ang magkainitan at magkasagutan sa plenary session kagabi matapos na biglang isingit ng huli ang pagtalakay sa concurrent resolution na inakda nito. Kinuwestiyon kasi ni Zubiri ang biglang pagsingit ni Senador Cayetano ng iniakdang concurrent resolution na nananawagan na magamit ng mga residente sa Embo Barangays ang kanilang karapatang bumoto para sa kanilang congressional representative sa 2025 midterm elections. Ayon Kay Zubiri, wala sa agenda ang naturang concurrent resolution at hindi man lang ito naipaliwanag sa kanilang kung ano nilalaman nito na hindi tamang kung kailan gabi na saka isingit para maaprubahan ang ganoong klase ng concurrent resolutuon. Sa huli ay nagkaayos rin ang dalawa at kapwa humingi ng tawad sa kanilang agarang pag-init ng ulo at sigawan sa Senado. #DWAR1494 #NewsPH