@news5everywhere: Tiniyak ni Pres. Bongbong Marcos na nakatutok ang gobyerno sa pagbabantay sa Bagyong #JulianPH at nakahandang tulungan ang mga maaapektuhan nito. Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Paniqui, Tarlac ngayong Lunes, September 30 para pangunahan ang pamamahagi ng Certificates of Condonation sa agrarian reform beneficiaries. Sa tala ng Department of Agrarian Reform (DAR), nasa 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage ang ipinamahagi sa higit 3,500 benepisyaryo. Sa pamamagitan ng naturang programa ay hindi na aalalahanin ang amortisasyon ng mga agrarian reform beneficiary. #News5 #NewsPH #SocialNewsPH #BreakingNewsPH