@theresedehesa: 1. HINDI namin pinapayagan na mag-screentime o manood sa cellphone, tablet at TV. ❓QUESTION: Paano kung gusto ni baby na manood habang kumakain? ❗️ANSWER: Hindi po namin pinapapanood habang kumakain si Baby Nick. Dahil walang kaagaw sa atensyon niya, mas naging interesado at ganado po siya na kumain. 2. HINDI po kami naghain ng puree, mashed food, lugaw, Gerber or Cerelac. ❓QUESTION: Kung hindi kayo nag-puree, ano ang unang pinakain niyo? ❗️ANSWER: From 6 months old onwards ay pwede na po maghain ng ulam. Kung ano po ang kinakain namin, yun din po ang kinakain ni Baby Nick. Hindi po ako gumagamit ng broth cubes, vetsin, MSG, Magic Sarap, etc. Sa simula, hindi po marami ang ihahain. Ang sinusunod ko lang po noon ay 3 malalaking hiwa ng karne or isda 3 malalaking hiwa ng gulay 3 rice balls 3 malalaking hiwa ng fruits ‼️ FIRST ULAM IDEAS: 📌 Tinolang Manok Pwede po ang Tinolang Manok dahil kumpleto na po ito. May manok, atay ng manok, papaya o sayote, luya at malunggay. 📌 Nilagang Baka Pwede rin po ang Nilagang Baka dahil kumpleto na rin. May beef, potatoes, corn, pechay at iba’t ibang gulay. 3. HINDI po namin sinubuan si Baby Nick. ❓QUESTION: Hindi ba ma-choke si baby kapag hindi sinubuan? ❗️ANSWER: Hindi po na-choke si Baby Nick dahil noong 6 months until 1 year old ay malalaki po ang cut ng pagkain niya. Kapag malaki po ang cut ng pagkain, hindi po masusubo at malulunok ng buo. Kapag malaki po ang cut ng pagkain, parang nginangabngab lang po ni baby. ‼️ REMINDERS: Please search BABY LED WEANING ❤️ Please aralin at sundin kung paano dapat i-prepare at hiwain ang mga pagkain. Sa umpisa po ay parang pinaglalaruan at natatapon lang po ang pagkain. Hinahayaan ko lang po. Unti unti po ay natuto gumamit ng kamay. Pagkatapos po nito ay natuto gumamit ng kutsara at tinidor. 6 months po kami nagsimula na magpakain kay Baby Nick. Tumigil din po kami dahil ayaw po ng Tatay ni Baby Nick ng kalat. 1 year and 5 months po bago nag-start ulit ng ganitong set up. Saka po siya natuto kumain mag-isa at naging magana at malakas kumain. BE PATIENT AND UNDERSTANDING. Maaaring maging makalat habang nagaaral pa si baby na kumain mag-isa. MANAGE YOUR EXPECTATIONS. Maaaring umabot ng ilang buwan bago matuto si baby na kumain mag-isa. ❤️❤️❤️ Here is Baby Nick at ONE YEAR OLD with my home-cooked Korean Beef Stew with Carrots and Sesame Seeds and Rice! PLEASE FOLLOW US: 💅 @thinkpinksalon #babynick #blw #babyledweaning #pinoyfood #koreanbeefstew
Instagram: @theresedehesa
Region: PH
Sunday 13 October 2024 03:17:42 GMT
Music
Download
Comments
Jnmy :
Nakakatuwa si baby Nick. Hopefully c bb ko, gnyan din ka-vocal at kasigla kumain soon. Mommy nung nagstop kyo dahil makalat po, milk lng po ba muna binibigay nyo kay baby Nick that time? Thanks po
2024-10-13 07:38:02
2
NotUrBooooooooh :
You always make my day, baby Nick (my online pamangkin/officemate).🥰🥰
2024-10-13 13:58:23
1
Mommy CheAn and Baby Rashan :
ganyan yung baby ko 10 mos na ngayon🥰 5 months pa lang sya nagpuree pero may konting buo buo muna pero nung 6 mos nag BLW na kagad kami hehe hinayaan ko lng na magkalat sya, sya mismo nagsusubo ng +
2024-11-03 14:09:07
0
🤍 :
Nakakatuwa, baby ko naman nag purée sya pero ayaw nya sa matatamis, at kahit anong pagkain, gulay sabaw etc kinakain nya ayaw nya lang sa matatamis
2024-12-13 08:13:03
0
Elian AP :
Ung baby ko hirap pakainin pag walang toy na hawak wala pa rin siyang screen time pero need preoccupied 🥺
2024-10-21 01:18:13
0
Marisol ˚˖𐙚 :
kung alam ko lng ito dati pa edi sana ngaun hindi mapili anak ko sa pagkain 19 mos na sya rice lng gusto minsan may ulam madalas wala , nung 6 months puro cerelac at puree lng pinakain ko
2024-10-20 14:54:21
0
mheljv12 :
ang baby ko kapag walang screen time hindi mkakain mgisa dahil laro ng laro .pano po kaya maiwasan yan..😥
2024-12-13 12:45:18
0
Rennalyn Ilocso💛 :
unang nood ko ng vid mo mommy, napukaw na agad ni baby nick atensyon ko kase ang tatas nya magsalita at ang galing agad kumain mag-isa sa edad nya, stress reliever ko din mga videos ni Baby nick hehe
2024-10-13 05:05:10
1
To see more videos from user @theresedehesa, please go to the Tikwm
homepage.