@news5everywhere: 'PANANAMPALATAYA SA GITNA NG SAKUNA' Sa kabila ng kawalan ng kuryente at pananalasa ng Super Typhoon #LeonPH sa Batanes, hindi nito napigil na magdaos ng misa sa loob ng isang evacuation center sa Basco Cathedral Pastoral Center. Ayon kay Father Ronaldo Manabat, ang misa ay isang Votive Mass upang ipagdasal na matapos na ang bagyo, at ipanalangin ang proteksyon ng mga first responder, kawani ng LGU, at sa mga taga-Batanes na apektado ng bagyo. #News5 #NewsPH #SocialNewsPH #BreakingNewsPH Courtesy: Fr. Ronaldo Manabat