@news5everywhere: Pinapapunta na ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) sa bansa para simulan ang imbestigasyon sa drug war ng kanyang administrasyon at umano'y extrajudicial killings. "This issue has been left hanging for so many years. Matagal, baka mamatay na ako, hindi nila ako maimbestiga. Umpisahan na nila ang investigation," aniya sa House quad-committee hearing, Nov. 13. Dagdag pa ng dating pangulo, handa siyang makulong kung mapatunayang siya ay guilty. #News5 #NewsPH #SocialNewsPH #BreakingNewsPH