@akosiloribelle: Pag babaero ka dapat mayaman ka. Kasi pag tanda mo baka di ka tanggapin ng original na misis mo o ng mga anak mo sa una. Kung di ka naman kasal at nakatandaan mo na ang pambababae, baka walang tumanggap sa'yo. So dapat may sarili kang bahay. Dapat may budget ka pambili ng pagkain, gamot at mga pangangailangan mo. Kailangan mayaman ka kasi siguradong kakailanganin mong magbayad ng tao na papayag na samahan ka. Kailangan mong magbayad ng mag aalalay at mag aalaga sayo. Dun mo maiintindihan ang pagkakaiba salitang mga mahal at kailangan, pamilya at bayaran, panandalian at pangmatagalan. Magsisi ka man huli na ang lahat. #babaero #womanizer #cheater #advice #tips