@coffee_queen017: Ang totoo, wala ka na. Tapos na tayong dalawa. Paghihiwalay ang naging solusyon mo at ibang tao na ang pinaninindigan mo ngayon. Wala na ang noon. Wala na ang dating tayo. At kahit gaano pa natin ipilit ay hindi na maiaalis ‘yong sakit. Permanente na ‘yong pait. At wala naman na akong magagawa kundi tanggapin na hanggang dito na lang tayo at hindi na magtatagpo hanggang huli. Dahil kahit magmakaawa pa ako ulit, hinding-hindi ka na babalik. Masasayang lang ang pagluhod ko kung kahit isang ngiti ay hindi mo na maibigay sa akin. Wala na akong magagawa kundi umalis at tanggaping sa una lang tayo naging masaya ‘tapos ang mga sumunod ay napilitan ka na lang. Sapilitan ang pagsabi mo ng “mahal kita,” pero ang pinakamasakit ay tinanggap pa rin kita kahit wala kang ginawa noong nakita mo akong nasasaktan. ---- ✍︎ Author ABBA / Angelika Bianca Bernardo Aquino | 2024 #HiddenCuts #worthy #selfworth #lifejourney #lesson #change #loveyourself #lifelessons #SelfCare #realization #selflovejourney #self #followers #ccto #viralvideotiktok #foryoupage #fyp #loveyourself❤️