@yorixyu: POV~ Habang nagmumuni-muni sa dalampasigan, hinahangad ang lambing ng simoy ng hangin, may isang presensya ang nag-aabang lumapit. Ngunit sa kawalan ng pansin, ang pagdating ng isang nilalang, ang iyong pinakamagaling na kaaway, ay nagdulot ng isang nakakagulat na pagkagulat. ____________________________ "Ano ba, nakikita mong nagmumuni-muni ako rito, at nag-aaksaya ka ng moment ko? Nakakairita!" sambit mo habang ang iyong mga labi ay nag-aalab sa galit. "Kanina ka pa kasi nandoon, kaya napagpasyahan kong guluhin ka. Ang seryoso mo kasi habang pinagmamasdan kita doon" sabi nito at mga labi n’yang naglalaro ng isang mapang-asar na ngiti at sabay tumabi sayo. "Tignan mo ang karagatan, napakaganda, hindi ba? Napakatahimik at mapayapa kapag pinagmamasdan, ngunit nakakatakot kapag nilapitan mo at nasa kalaliman ka na" sambit mo, sabay turo mo sa malawak na karagatan, ang mga mata mo'y nanlalakbay sa kagandahan nito. "Tama ka, napakaganda, ngunit mapanganib din. Hindi mo ba napansin na may pagkakatulad kayo?" sabay tingin niya sa mga mata mo, mukhang panatag na panatag siya sa sinabi niya. "Ha, seryoso ka ba? Paano mo naman nasabi iyan?" ang iyong mga mata’y nagtagpo, naghahanap ng sagot sa kanyang tanong. "Naalala mo pa ba noong hindi pa tayo lubusang magkakilala, nasa dalampasigan ka rin, katulad ng ngayon, ngunit umiiyak ka. Noong nilapitan kita upang tanungin ka, tinarayan mo lamang ako at tumakbo palayo." Natawa ka sa sinabi nito kasi nagbabalik-tanaw kayo sa mga alaala ng iyong unang pagkikita. "Bakit ka natawa? Totoo naman ang sinasabi ko. Akala ko noon ay mahinhin ka lamang, kaya nang muli mo akong nilapitan kinabukasan, nagulat ako. Akala ko ay tatarayan mo ulit ako, magpapasalamat ka lang pala" habang natatawa n’yang kine-kwento. "Sige nga, ano ang iyong unang impresyon sa akin noong unang tayo'y nag-usap?" naghihintay ng kanyang sagot. "Wala naman masyado. Akala ko noon ay napaka-lakas mo, na para bang wala kang dinadalang problema. Hanggang sa unting-uti nating pagkilala sa isa’t isa, at doon ko naunawaan kung bakit ganoon ang pakikitungo mo noong una tayong nagkita" Hinawakan niya ang iyong kamay, at sa sandaling iyon, napagtanto mo na siya ang dahilan kung bakit ka ganito ngayon. Nagbago ka. Hindi ka na ang taong nagtitiis sa mga problema, dahil ngayon ay kaya mo nang ibahagi ang iyong mga nararamdaman, sapagkat alam mong mayroong taong makakaunawa at hindi ka huhusgahan. Ang kanyang presensya ay nagbigay sa iyo ng lakas ng loob na maging tunay na ikaw. Hinawakan mo rin ang kanyang kamay, at ang iyong ulo ay sumandal sa kanyang balikat, na para bang kayo lamang dalawa ang naroroon sa mundo. Parang kontento ka na sa inyong kasalukuyan, dahil naroon na siya, ang taong tumulong sa iyong paglabas mula sa madilim na katotohanang iyong itinatago. Sa kanyang piling, nakita mo ang liwanag, at ang iyong puso ay nagsimulang muli magtiwala sa pag-ibig at sa pag-asa. "J, walang katapusang pasasalamat ang aking nadarama. Hindi ko alam kung paano ko maipapahayag ang aking lubos na pasasalamat sa iyo at sa iyong pamilya dahil sa inyong tulong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napili mo, at kung bakit mo ako tinanggap at sinikap na baguhin. Para bang isang himala ang aking naranasan, at hindi ko maipaliwanag ang aking pagpapasalamat sa iyong pag-ibig at pag-aalaga." tiningnan mo siya, ang mga luha'y walang pigil na umaagos, dahil sa wakas ay pinayagan mo na ang iyong sarili na maging lubusang mahina. Nahanap mo na ang iyong matibay na sandalan — ang iyong ligtas na kanlungan, sa tuwing hindi mo na kaya ang bigat ng mundo. TO BE CONTINUED! #jeremiah #ongfam #jeo #JEO #viral #jeremiahong #fyp #fyppppppppppppppppppppppp #jeoongedits #foryou
iyor
Region: PH
Sunday 12 January 2025 16:12:39 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @yorixyu, please go to the Tikwm
homepage.