@news5everywhere: 'BAKIT GANOON SILA KABASTOS?' Kinuwestiyon ng aktor at senatorial aspirant na si Philip Salvador ang aniya'y pambabastos sa ilang kandidato. Nabanggit ng aktor ang hirit kamakailan ni Pres. Bongbong Marcos na tila "pina-deliver lang ng suka" ang ilang tumatakbo para sa 2025 elections. "Naisara ko [na] ang buhay ko bilang artista, meron akong isa pang hindi nagagawa kaya nagbukas ako ng aklat ng buhay ko muli. Pero hindi bilang artista, bilang isang public servant," saad ni Salvador. #BilangPilipino2025 #News5 #NewsPH #Philippines