@h3roym: “𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥 𝗔𝗞𝗢, 𝗦𝗜𝗥!”—Paulit-ulit na sigaw ng isang matandang magsasaka habang pilit siyang dinadala ng mga awtoridad. Ang kaniyang tinig ay nagmamakaawa, umaasang mauunawaan ang kaniyang sitwasyon. Isang kutsilyo ang dahilan—isang kasangkapan lamang sa kaniyang hanapbuhay. Ngunit sa halip na unawain, siya’y hinila, itinulak, at pinilit isama na parang isang kriminal. Hindi ba siya nararapat kausapin nang mahinahon? Hindi ba maaaring ipaliwanag sa kaniya ang batas na sinasabing nilabag niya? Hindi ba dapat may puwang para sa awa at respeto? Sa aking nakita, hindi lang siya hinuli—parang hinubaran siya ng dignidad. Nakapanlulumo. Nakakagalit. Oo, may batas tayong dapat sundin. Pero hindi ba maaaring ipatupad ito nang may respeto sa kapwa? Kung may pag-unawa at maayos na pakikitungo, baka hindi na kailangan ng dahas. Saludo ako sa inyong tungkulin, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang itaas ang aking kamay bilang pagsang-ayon. #heroym #viral #fypage
h3roym
Region: PH
Friday 28 February 2025 15:02:36 GMT
Music
Download
Comments
h3roym :
Isa siyang magsasaka. Isang ama. Isang lolo. Isang tao.
Hindi siya dapat tratuhin na parang wala lang.
2025-02-28 15:16:51
4
To see more videos from user @h3roym, please go to the Tikwm
homepage.