Zeno :
Hi! Hm, may I ask if you could cover my song? I’m not forcing you, and it’s totally okay if the grammar isn’t perfect. I would really appreciate it if you give it a try! Here are the guitar chords: C, Am, F, G. (Reminder im just beginer, don't judge my song please huhu)
Title: "NAHIHIBANG"
My own original song (OPM)
Verse 1
Tahimik ang paligid, ikaw ang ingay,
Sa bawat tingin mo ako’y natatangay.
Hindi ko man sabihin ang nararamdaman,
Ikaw pa rin ang laman ng aking isipan.
Chorus
Nahihibang na naman sa’yo,
Kahit alam kong ‘di magiging tayo.
Pinipilit kong umiwas sa mundo mo,
Pero ikaw pa rin ang hinahanap ng puso.
Verse 2
Magkaibigan lang ang kaya mong ibigay,
Kaya tinatago ko na lang ang tunay.
Sa bawat ngiti mong hindi para sa akin,
Unti-unti kong natutunang tanggapin.
Bridge
Kung pwede lang sanang tumigil ang oras,
Para hindi ko maramdaman ang pag-iwas.
Final Chorus
Nahihibang pa rin ako sa’yo,
Kahit alam kong hanggang dito lang ako.
Dahan-dahan akong lalayo sa piling mo,
Kahit ikaw pa rin ang mahal ng puso ko.
Outro
Sa tahimik na gabi…
Akoy nawawala saiyo..
2026-03-25 10:53:04