Micah :
pinasuko ko yung walang balak sukuan ako☹️☹️ito sabi niya sakin kanina “hmm hi ms.poganda gusto kolang pong sabihin na suko napo ako subrang sakit napo eh d kana po na kontento sa binigay mong sakit po I'm not mad po nasasaktan lang po ako, Ilang beses kitang pinatawad at binigyan ng pagkakataon dahil naniwala akong magbabago kapo sa bawat "sorry" mo, umasa ako sa bawat pangako mo, naniwala ako pero sa huli, pareho lang ang nangyari nasaktan na naman ako dahil sa parehong kasalanan mahal pa rin kita, at hindi madaling bitawan ang taong naging malaking parte ng buhay ko pero mas hindi na kaya sa paulit ulit nangyayari,masakit po paulit-ulit nalang dahil sa cheating at pagsisinungaling napagod na akong magtanong kung sapat ba ako, kung bakit kailangan mo pang humanap ng iba habang nandito ako na minahal ka nang buong totoo kaya ito na siguro ang tamang panahon para magpaalam hindi dahil wala na akong pagmamahal, kundi dahil kailangan ko nang piliin ang sarili kong kapayapaan I deserve a love that is honest, faithful, and sure sana balang araw maintindihan mo kung gaano kasakit ang paulit-ulit na ginawa mo I genuinely hope you become a better person, not just for someone else, but for yourself thank you for the memories, but this time, I'm finally letting go I wish you well, but I can no longer stay where my heart keeps getting broken hindi ko alam kung ito na talaga ang huling mensaheng matatanggap mo mula sakin, pero gusto kong sabihin ang lahat ng matagal ko nang kinikimkim sobrang mahal kita, at alam mo 'yan ginawa ko ang lahat para ipaglaban tayo Ilang beses kitang pinatawad, ilang beses akong naniwala sa mga pangako mong hindi mo na uulitin, at ilang beses kong pinili na manatili kahit sobrang sakit na kasi naniwala ako na balang araw, magbabago ka at magiging maayos din tayo pero habang tumatagal,ako na lang ang nagbibigay ng pagkakataon, at ako na lang din ang paulit-ulit na nasasaktan ang pinakamahirap tanggapin ay hindi lang ang cheating, kundi ang katotohanang ilang beses mo itong piniling gawin kahit alam mong masasaktan ako hindi mo lang sinira ang tiwala ko unti-unti mo din pong sinira ang sarili kong paniniwala na sapat ako hindi ko sasabihing wala”
2026-08-05 04:54:12