ZER CHEL :
Namatay papa ko ng di ko nakikita for two years because of pandemic, huling nakasama ko sya year 2019 nung pinagdrive nya ako pappuntang terminal papunta manila, and June 18, 2021 huling usap namin thru vc kasi bday nya, yun na pala ang huli, huling ngiti, huling tawa, huling bday nya at huling usap namin na di ko nga nasabing mahal na mahal ko sya, binati ko lang sya and after 10 days binawian sya ng buhay na wala kami ng kapatid ko sa tabi niya, ang sakit sa part na sa cp lang namin sya nakita kung paano sya lumalaban pero wala na kaming magawa, nakauwi kami nakaburol na siya, tas dahil nga pandemic pa, di pa kami makalapit sa kabaong nya habang may mga tao, lalapit lang kami pag wala ng nakikiramay, at kada lapit namin check muna ng temperature hysss... Miss ko na ikaw bossing namin.
2025-07-10 05:37:57