hxna_czx :
Bat’ ang sakit? Siguro kasi ako ’yung unang nagsabi ng “ayoko” kahit ang totoo, gusto ko pa — sobra. Hindi ko lang maamin, kasi natakot ako sa kung anong pwede mangyari, o baka kasi feeling ko ako lang ang nakakaramdam pa. Kaya nung pumayag ka, nung binitiwan mo na rin, ang sakit… kasi pakiramdam ko, totoo na. Tapos nung sinabi kong hindi ko na gusto, nagsinungaling ako — totoo, dare lang yun pero hindi ko inakala na may masasaktan… ako pala. Kasi totoo naman, gusto pa kita, mahal pa rin. Hindi ko lang alam kung paano ko aayusin lahat ng pagkukulang, ng kasinungalingan, ng sakit. Ang totoo, gusto ko lang sanang malaman mo na kahit sa likod ng “ayoko,” nandun pa rin yung “ikaw pa rin.” Kaya bat ang sakit? Siguro kasi pinili kong itago ang totoo, at pinili mong maniwala sa kasinungalingan.
2025-07-05 00:21:57