@angatbuhaypinas: Ika-tatlong taon ng Angat Buhay. 💗 Sa iba't ibang sulok ng bansa, dala natin ang iba't ibang kwento ng pag-asa. Kung paanong ang pagtuturo ay naging daan para muling mangarap ang mga bata, kung paanong nakabangon ang mga komunidad matapos ang trahedya, at kung paanong ang pagkilos ng iilan ay naging lakas ng marami. At malinaw ang aral: kaya nating tumugon, basta’t magkakasama tayo. Maraming salamat sa tatlong taon ng pagtitiwala at pakikipagbayanihan! ✨ #lenirobredo #angatbuhay #bayanihan