Niel :
Bakakid sa kalsada, bitbit lang ay pangarap,
Mga mata nakatingala, abot langit ang hinahabol na liwanag.
Di ko pa hawak noon, puro dasal at tiwala,
Mga gabing walang tulog, utak laging naglalakbay pa.
Hirap sa bulsa, pero puno ng paniniwala,
Bawat hakbang, parang bato sa bangin na dinaraanan.
Tiwala sa sarili, di matitinag ng duda,
Bawat bagsak tinuturing kong lakas, di kabiguan.
Ngayon narito, unti-unting dumadama,
Mga pangarap na malabo noon, ngayo’y kumakanta.
Hawak ko na, parang bituin sa kamay,
Bunga ng pawis at dugo, hindi lang basta sabay.
2025-08-23 14:44:48