@net25news: “MAHIYA NAMAN KAYO” Ikinadismaya ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga pumalpak na flood control project sa bansa kung saan gumuho ang ilan sa mga ito noong kasagsagan ng mga bagyo. “Maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho. At yung iba guni-guni lang, ‘wag na po tayong magkunwari, alam naman ng buong madla na nagkakaraket sa mga proyekto,” ani Marcos Jr. Plano ng pangulo na ipasuri sa DPWH ang mga flood control projects at alamin kung alin sa mga ito ang ghost projects, pumalpak, at hindi umuusad na mga proyekto upang hindi na maulit ang naging matinding pagbaha sa bansa. #NET25NewsandInformation #SONA2025 #floodcontrol #PBBM