@gatchyvielle: Hindi kailangan ang psychological evaluation para patunayan ang psychological violence sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o ang ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช-๐˜๐˜ช๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ˆ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ต ๐˜ž๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ (๐˜๐˜ˆ๐˜ž๐˜Š) ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ต. Ito ang iginiit ng Korte Suprema sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting kung saan pinagtibay ng Third Division ng Korte ang hatol sa akusado para sa psychological violence laban sa kanyang asawa at mga anak. Pinatawan ng Korte ang akusado ng hanggang walong taong pagkakakulong at pinagbabayad ng PHP 275,000 na multa at danyos. Inatasan din siya na sumailalim sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment. Ikinasal ang akusado at ang kanyang asawa noong 1998 at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagkaroon din siya ng anak sa ibang babae na itinira niya sa bahay mismo ng kanyang ina, na katabi lang ng kanilang bahay. Hindi rin sya nagbigay ng pinansyal na tulong. Sinabi ng Korte Suprema na kumpleto ang lahat ng elemento ng krimen ng psychological violence sa ilalim ng Section 5(i) ng ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช-๐˜๐˜ˆ๐˜ž๐˜Š ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ต: (1) ang biktima ay isang babae at/o kanyang anak; (2) ang biktima ay asawa ng o may relasyon sa nagkasala; (3) ang nagkasala ay nagdudulot sa biktima ng mental o emosyonal na paghihirap; at (4) ang paghihirap ay dulot ng pampublikong pangungutya o kahihiyan, pasalita at emosyonal na pang-aabuso, pagtanggi ng suportang pinansyal, o mga katulad na gawain. Binigyang-diin ng Korte na hindi kailangan ng psychological evaluation mula sa isang ekspertong testigo para patunayan na nagdusa ang biktima. Hindi ito kinakailangan sa ilalim ng batas. Nagpasya ang Korte na ang testimonya ng isang biktima sa husgado ay sapat na para patunayan ang emosyonal na paghihirap o pagdurusa sa isip. Sa kasong ito, detalyadong pinatotohanan ng asawa ang kanyang karanasan na nagpapatunay sa kanyang mental at emosyonal na paghihirap. CCTO: SUPREME COURT OF THE PHILIPPINES #VAWC #vawccase9262 #vawccampaign #vawcfreeph #vawcofficer

Sgt Gatchy
Sgt Gatchy
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 29 August 2025 08:09:47 GMT
112451
3103
191
1575

Music

Download

Comments

nihaoma045
janu :
di ko alam bakit tumotulo luha ko habang nanunuod
2025-08-29 10:41:20
10
bryanbasanez1995
VฬถOฬถIฬถD :
2025-08-29 12:20:01
1
emenem0603
๐ŸŒธ :
true
2025-10-28 00:09:35
0
dhalzmolina7
Lhia#27 :
Tama...
2025-11-09 05:35:18
0
biensalvan
๐ŸŒน๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡นBien๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒน :
Ganyan ang ginawa ng x husband ko sakin minumura niya ako..yon hinde ko na kinaya kaya hiniwalayan ko
2025-11-04 19:51:03
0
pilingera0621
cashmere :
tama ganyan ex k kaya pinili.k makidaghiwlay s kanya.
2025-11-25 01:35:43
0
yumithalia
Yas๐Ÿงฟ :
agree
2025-11-07 12:34:33
0
shimunini119
๏ผฎ๏ฝˆ๏ฝ…๏ฝ”โœฟ :
eto yung nangyari skn
2025-10-04 18:20:37
1
chinita.grace
chinita Grace :
ganyan ang ginawa sakin n ng ex ko
2025-10-05 04:24:37
1
asiletad
Asi T. :
sa totoo po ang hirap din po mag pa psy evaluation lalo kung malalim ang trauma bbalikn mo lahat ng masskit na event, been through this mula s psy interview hanggang sa written testimony s womens desk sobra ang iyak ko.
2025-09-03 15:09:41
1
sweetiesweetie97
cocoblessiehappyedward :
grabe sir kung magsalita..di daw Siya titigil hanggat di may Ako mailigpit..ground b Yan sa VAWC?
2025-10-30 12:13:05
0
ericamagtangobbel
Erica belaro magtangob :
mapanumbat na asawa dahil sa Wala akung trabaho๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญtapus sasabay pa Yung mga Kapatid nyang mga walang hiya๐Ÿ˜ญ
2025-09-22 13:49:59
1
emelita418
Emie๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒˆ :
napakabuti ng diyos.nagpapadala siya ng taong magpapaliwanag para sa mga lalaking mapanakit.physical at psychological. ako po give ap na .patawarin ako ng panginoon.๐Ÿ™๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜Œ
2025-09-15 13:58:31
1
user6177811105483
user6177811105483 :
relate Po...nasa Korte na Po...
2025-08-29 22:33:36
3
bryanbasanez1995
VฬถOฬถIฬถD :
2025-08-29 12:19:12
2
bryanbasanez1995
VฬถOฬถIฬถD :
2025-08-29 12:20:50
0
bryanbasanez1995
VฬถOฬถIฬถD :
2025-08-29 12:19:41
1
ericamagtangobbel
Erica belaro magtangob :
habang pinapakinggan ko to napapaiyak Ako ramdam ko Yung sakit ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ naaalala ko lahat pang mumura ng mga Kapatid nya sakin at pag mumura sakin ng asawa ko.
2025-09-22 13:48:07
1
rhea7250
Rheaโค๏ธ :
tutuo po Yan
2025-10-24 17:16:47
0
nadineliam6
Nadineโค๏ธLiam :
ranas kna po mga masakit na salita,,
2025-10-25 14:41:49
0
ram010742
ram01 :
cnsv ko nlng sa Sarili ko di nya un sadya
2025-10-27 15:35:33
0
disenuebeotso1908
่ฎฉไนˆๆ“ฆ๐Ÿพ :
Kaya pala !
2025-10-26 15:32:31
0
alleia.francesca
Life of Mommy & Ella ๐ŸŒธ๐Ÿฉท๐ŸŒบ :
Pag pulis po mii may laban po ba? Kasi baka hindi din po sya madismiss.
2025-11-18 12:37:09
0
user5228770801261
าจั‹ะฝาฉะฐะถำ™ะธ ะ–ำ™ะฐะฑะฐ าจะฐะถำ™ะธั…ำ™ะฑะฐ :
๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญhanggang kelan ba ako magtitiia
2025-10-26 14:05:39
0
missai.ai
๐Ÿชฌ๐ŸงฟMama Ai ๐Ÿ‘ฉ :
Relate pero ayoko nang gulo kaya ako na lang lumayo
2025-08-30 01:17:20
0
To see more videos from user @gatchyvielle, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About