@gmanews: Pasado 10 PM nitong Martes, September 9, tuluyan nang naapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Culiat, Quezon City. Sa video mula kina YouScooper Edward Quezada & Jonathan, makikita na naapula na ang kaninang naglalagablab na apoy mula sa mga kabahayan. Halos matupok daw lahat ng bahay dahil gawa ang mga ito sa light materials. Pansamantalang nakikituloy naman daw muna ang ilan sa mga residenteng nasunugan sa kani-kanilang mga kaanak. #YouScoop Courtesy: YouScooper Edward Quezada & Jonathan #GMAIntegratedNews