:
:Alam mo, people always say na sa una lang masaya ang relationship, na habang tumatagal nawawala raw ‘yung spark, pero gusto ko lang ipaalala na hindi gano’n kababaw ang totoong pagmamahal. Oo, sa simula masaya kasi everything feels new may kilig, may excitement, may thrill, at para bang ang gaan lang ng lahat. Pero a real relationship is so much more than that. It’s not supposed to stay in that ‘honeymoon phase’ forever. Ang totoong relasyon dumadaan talaga sa mabibigat na araw, sa hindi pagkakaintindihan, sa pagod, sa tampuhan, sa mga moment na parang hindi kayo on the same page. Pero doon mo makikita kung sino ‘yung tao na pipiliin ka pa rin kahit mahirap, kung sino ‘yung hindi maglalakad palayo kapag hindi na masaya, at kung sino ‘yung willing mag-stay dahil mahal ka niya hindi dahil convenient ka lang. Hindi kasi realistic na puro saya lang ang hanapin sa relasyon kahit sinong tao, kahit gaano kamahal mo, magkakaroon talaga ng challenges. At kung ang mindset mo ay ‘pag di na masaya, alis,’ then hindi talaga tatagal kahit sinong makarelasyon mo. Ang totoong love hindi sinusukat sa saya sa simula kundi sa kaya n’yong lampasan habang tumatagal. Relationship is about growing together, learning from each other’s flaws, understanding each other’s triggers, and choosing to fix things instead of giving up. Masaya sa una? Oo. Pero mas masaya kapag narating n’yo ‘yung stage na kahit ilang beses kayong magkainisan, bumabalik pa rin kayo sa isa’t isa kasi hindi kayo sumusuko. Mas masaya kapag napagdaanan n’yo ‘yung mga moment na halos bibigay na, pero kinaya n’yo kasi mas malaki ‘yung respect at love n’yo kaysa sa problema. Mas masaya kapag natutunan n’yo na ang love hindi lang kilig kundi commitment yung tipong kahit hindi ka na laging excited, pipiliin mo pa rin siyang mahalin araw-araw. Ang saya sa simula ay temporary, pero ang deeper happiness na nabubuo habang dumadaan kayo sa hirap iyon ang tunay.
2026-03-21 04:19:03