@_leg4iah: STORY 3 [Part 20] Alas sais na ng gabi at saktong madadaanan namin ang coffee shop kong saan naka abang si Reese. Nang matanaw ko na sya ay agad akong pumarada sa isang tabi. Pumasok si Reese at agad na napangiti ng makitang tulog na tulog si Y/n. Reese: Anong ginawa mo dyan sa pinsan ko ba't bagsak yan? HAHAHA. Jeo: Maghapong nagbabad sa ilog ayaw paawat kaya ganyan kapagod, ka kulit naman pala nang isang to. Reese: Nagkukulit talaga yan kapag komportable sya sa tao. Ibig sabihin komportable na si Y/n sakin? Napangiti ako sa sinabi ni Reese, nadagdagan yung saya ko bukod dun sa sinabi nyang may tiwala sya sakin-- ayokong sirain yun. ----- KINABUKASAN~ Maaga ang naging flight nila kaya maaga ko din silang hinatid sa airport, isang araw lang naman silang mananatili doon. Kaya sa susunod na araw ay makakabalik nadin kami sa Isla. Balak ko sanang lumibot ng naka motor pero masyadong galit ang araw. Pipikit na sana ako ng biglang may nag doorbell, tinatamad akong tumayo pero kailangan baka kase importante. Pagkabukas ko ng gate ay nagulat ako-- si Karah, kailan pa sya nakabalik? Naninibago ako sa itsura nya pero agad ko naman syang nakilala, nakakangiti na sya ngayon di katulad dati na halos di mo man lang makausap, masaya akong makita syang bumalik na sa dating sigla. Pinapasok ko sya at naupo kami sa bench malapit sa gate. Jeo: Kamusta ka Karah? Karah: Maayos naman na, ilang araw nakong pabalik-balik dito pero walang nagbubukas ng gate. Nasaktuhan ngayon andito ka. San pala yung iba? Jeo: Nasa Isla, umuwi lang kami saglit at babalik din doon. Karah: Kami? Mukhang mag isa ka lang naman dito ah. (Nagpalinga-linga sya.) Pumasok sa isipan ko si Y/n dahil sa tanong nya, bigla akong nakaramdam ng pagkailang kay Karah lalo na't kaming dalawa lang yung andito bukod sa driver nyang nasa sasakyan lang. Jeo: Hindi, may kasama ako may importanteng pinuntahan lang kaya wala dito. Karah: Ganon ba, sasamahan sana kita kong mag-isa ka. Gaya noong maliliit pa tayo Jeo, na alala mo? Nginitian ko lang sya pero sa loob loob ko mas lalong nadagdagan yung pagkailang ko. Di na kase katulad noon yung tingin ko sa kanya bilang kaibigan, pinagbawalan nadin ako nila Mama na lapitan sya. Isa kase ako sa mga sinisi nya noon kong bakit nangyari sa kanya ang insidenteng yun kahit wala naman akong kinalaman, sadyang huli lang ng dumating ako-- nagsisi rin naman ako dahil hindi ko sya na protektahan gaya ng pinangako ko. Naputol na ang ugnayan namin sa isa't-isa at ganon nadin sa mga magulang namin. Ngayon nalang ulit kami nagkita at mukhang maayos naman na talaga sya. Karah: Mukhang may gagawin kapa, mauuna na siguro ako Jeo. Ikamusta mo nalang ako kina Tita. Jeo: Sige, salamat sa pagbisita. Karah: Bumalik talaga ako Jeo kase namiss kita! (Ngumiti sya at sa tingin ko may kahulugan yung salitang binitawan nya.) Nakahinga ako ng maluwag nang maka alis sya, ewan ko ba. Hindi na ako komportableng lapitan pa ng iba bukod kay Reese na pinsan ni Y/n, alam mo yung pakiramdam na parang pinagtaksilan ko sya kahit na ilang minuto lang na pakikipag-usap ko sa iba. Kinuha ko ang cellphone ko at nag check ng flight, saktong may pang alas dos kaya agad akong nag book. Susunod ako dahil alam kong malungkot si Y/n ngayon panigurado. Gusto ko ring bisitahin si Lola para makita ko yung kalagayan nya, naging mabuti sya samin kaya bilang ganti ay aalagaan ko ang apo nya. Pagkatapos kong maligo ay dumating si Kuya Mark, kaya agad akong sumakay sa sasakyan at pinatakbo pa puntang airport. Saktong boarding na nang makarating ako, di ko mapigilan ang sarili kong ma-miss ka Y/n kahit na ilang oras palang tayong di nagkikita. At sa tingin ko--- di ko lang namalayang tuluyan na pala akong nahuhulog sayo. Panigurado pagkabalik namin sa Isla ay suki kaming dalawa ni Y/n sa asaran lalo na't walang preno ang bibig ni Reese, alagad pa naman sya ni Siko. Pero anong magagawa ko? Gusto ko na si Y/n at ayokong pigilan ang sarili ko. #fyp #austoriesby_ligaya

Ligaya^᪲᪲᪲
Ligaya^᪲᪲᪲
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 15 September 2025 22:29:41 GMT
3209
299
44
7

Music

Download

Comments

_mailyy26
ℳailyᥫ᭡. :
Iba ka talaga Jeremiah 🤭 nakaramdam lang ng pagkamiss, di nakatiis 😁 paremind author!
2025-09-15 22:45:42
1
marie.s_10
c ˚౨ৎ :
remindddddd
2025-09-16 02:40:49
1
itsn0tshei
who is shei? :
remind me again
2025-09-15 22:47:39
1
o.lyn_26
𝓛ynx🍒 :
Bilis mo naman maka miss sakin J! 🤭😂 pa remind author
2025-09-16 09:45:01
1
hayzyahyayz
hayzyahyayz :
paremind po
2025-09-15 23:38:12
1
arriii_yourgff
ARIEEEE :
remind ateee
2025-09-16 13:55:38
1
angel.marisss
Angel Marisss :
sanaoll😭paremind ulitt
2025-09-15 23:46:58
1
hanna_urlove
hanna_ lovesu :
pa remind nak
2025-09-16 03:26:43
1
13jayne21
¹²alexis²¹JaynE¹³0⁷ :
pa remind
2025-09-16 09:27:24
1
rhea_yanzon
Ma Rhea M. Yanzon :
remind
2025-09-16 12:30:20
1
urfav_cessy08
:p :
pareminr
2025-09-16 01:45:38
1
_heineee
Heinekurt :
Cutieee, remind next po 🥰
2025-09-15 22:59:00
1
spaghetti244
siopao :
pa remind po ulit thank you 🥰
2025-09-16 00:50:59
1
ghiblxi_jhen
A :
pa remind pooooo
2025-09-16 12:23:25
1
nchristen
Normand’s gf🫶🏻 :
Paremind po
2025-09-16 05:06:08
1
enjelmie24
🌺❤️ :
pa remind po ulit ty
2025-09-16 03:01:41
1
demibruno31
Demi🎸🎵❤️‍🩹🇵🇭 :
downbad ang isang JEREMAIH🤭❤️HULOG NA HULOG JEYY🥰 PAREMIND
2025-09-15 23:34:03
1
rynae11
rema^^ :
remind
2025-09-16 00:27:01
1
justinessison
Justine Nicole ❤ :
next po
2025-09-15 23:02:02
1
dm31193
DM :
🥰🥰🥰
2025-09-16 04:18:07
1
corina.elmido
Corina Elmido :
😍😍😍
2025-09-15 22:34:36
1
walalang12307
. :
🥰
2025-09-21 12:13:12
0
xylaine.c
xylaine.c :
gan'tong Jeremiah gusto ko eh. yung parang halos ayaw kumausap ng ibang babae kasi gusto pang si y/n. remind po sa next bebee
2025-09-16 14:53:06
1
To see more videos from user @_leg4iah, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About