@piocamnorte: ๐๐๐๐๐-๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ Makulay at masayang pagdiriwang ng 25TH BUSIG-ON FESTIVAL. Kung maaalala natin, ipinagdiwang sa bayan ng Labo, Camarines Norte ang 25th Busig-on Festival at ika-225 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng bayan nitong ika-1 hanggang ika-8 ng Setyembre, 2025. Ito ay pinangunahan ni Mayor Severino "Jojo" Francisco katuwang ang Sangguniang Bayan ng Labo. Sa loob ng walong araw, bumuhos man ang ulan o bumida si haring araw, patuloy na idinaos ang pagdiriwang ng makulay at masiglang kaganapang ito. Ibaโt ibang aktibidad ang inihanda ng Pamahalaang Bayan ng Labo at isa sa pinaka-inabangan ay ang Street Dancing Competition kung saan ipinamalas ang angking galing ng mga mananayaw sa kalsada upang ipagmalaki ang kani-kanilang barangay. Tunay ngang naging masaya at makulay ang pagdiriwang ng 25th Busig-on Festival tampok ang mga aktibidad na kung saan sumisimbolo sa kasaysayan ng bawat Laboeรฑo. #AlaysaDiyosAlaysaBayan #Fortheloveofourcountry