@gmapublicaffairs: ARAW-ARAW NA BAHA, NILULUSONG NG MGA ESTUDYANTE SA PAMPANGA. SAND BAG, PAUNANG LUNAS PARA RAW PANSAMANTALANG TUNTUNGAN?! Dati, ilang oras lang daw ay humuhupa na agad ang baha tuwing malakas ang ulan sa daan ito papasok sa Caingin Elementary School sa Masantol, Pampanga. Pero ngayon, halos ilang buwan nang lubog ang kalsadang ito. Ayon sa residente ng lugar na si Michael Zapanta, idinulog na raw nila ang sitwasyon ng baha sa kanilang barangay na nagbigay ng sand bag bilang paunang lunas. Sa mga sand bag kasi tumutuntong ang mga lumulusong sa baha. Panawagan ng mga residente, agaran at epektibong solusyon para sa kanilang lugar. #FYP