@angbalitangayonfb: BREAKING: REMULLA, MAY OMBUDSMAN CLEARANCE NA Kinumpirma ngayong araw ni DOJ Secretary “Boying” Remulla na nakakuha na siya ng Ombudsman Clearance — isa sa pangunahing rekisito ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa mga aplikanteng nais maupo bilang Ombudsman. Ayon kay Remulla, naipasa na niya ang dokumentong ito sa JBC, dahilan para maging eligible siya na maisama sa magiging shortlist ng mga nominado. Ang naturang listahan ay pagdadaanan pa ng deliberasyon bago isumite kay Marcos Jr. para sa pinal na pagpili. Kung makakapasok si Remulla, ito ay magbubukas ng posibilidad na siya ang maging susunod na Ombudsman, posisyon na may bigat sa laban kontra katiwalian at pang-aabuso sa gobyerno. #ombudsman #SupremeCourt #marcos #vpsara #duterte