@newsph2026_jbalbuena: Hindi na itinanggi ni Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo na siya ang nasa isang viral video ng isang magarbong selebrasyon sa Las Vegas sa Amerika. Ayon sa kongresistang anak ni Sen. Raffy Tulfo, kuha ito sa pribadong pagdiriwang noong Pasko noong 2023. Ipinagdiriwang din umano nila ang magandang balitang natanggap ng kaniyang mga kaibigan. Bagaman credit card niya ang ginamit, nag-ambagan daw silang magkakaibigan sa bill nilang umabot sa P2 milyon. Aniya, personal na lakad ito at walang ginastos na pondo ng gobyerno. Courtesy: GMA Integrated News #ralphtulfo #P2Mbillsalasvegas #currentevents #trending #fypシ゚viraltiktok☆2025