@news5everywhere: BAKA HINDI NA UMUWI SI ZALDY CO? Dapat harapin ni former Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng pagkakadawit niya sa kickbacks sa flood control projects, ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro. Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Co bilang kongresista, na pinangangambahan ng iilan dahil baka hindi na magparamdam o umuwi ng Pilipinas ang dating mambabatas. Patuloy namang hinihintay ng Department of Justice ang sagot ng Interpol ukol sa hiling ng Pilipinas na ilagay sa Blue Notice si Co.