@gmapublicaffairs: MAG-ASAWANG DISCAYA, ISINIWALAT NA RAW SA ICI AT DOJ ANG LAHAT NG NALALAMAN KAUGNAY NG MAANOMALYANG FLOOD CONTROL PROJECTS Sinabi ng abogado ng pamilya Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III na naibigay na ng mag-asawang Discaya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at sa Department of Justice (DOJ) ang lahat ng impormasyong hawak nila kaugnay ng mga iregularidad sa flood control projects. Sinabi niya ito sa isang panayam ngayong Martes, September 30.