@abantenews: LALAKI KAPIT-TUKO SA PUNO PARA MAKALIGTAS SA RUMARAGASANG BAHA Isang lalaki ang kinailangang kumapit sa isang puno ng niyog upang mailigtas ang sarili mula sa rumaragasang baha sa bayan ng Maasim, Sarangani kahapon, Oktubre 6, matapos ang halos walang tigil na pag-ulan. Ayon sa mga nakasaksi, tanging pagkapit sa matibay na puno ang nakapigil sa lalaki na matalo ng malakas na agos ng tubig, na nagdulot ng pinsala sa ilang kabahayan at taniman sa lugar. VIDEO COURTESY: Contributed video #AbanteNews #baha #Sarangani