@yayam2492: In less than a month since the earthquake struck Cebu, may maayos-ayos nang matitirhan ang mga biktima ng lindol. Sa kanyang muling pagbisita, personal na siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na lahat ng nawalan ng tahanan ay may pansamantalang tirahan na sa Bogo Tent City. Ayon kay PBBM, papalitan ng mas matitibay at mas komportableng modular shelters ang mga tent upang masiguro ang ligtas, maayos, at marangal na pamumuhay ng mga pamilyang patuloy na tinutulungan ng pamahalaan sa kanilang muling pagbangon. #PBBM #Cebu #EarthquakeCebu #SalamatPBBM