Elite_03 :
Yan ang tinatawag na exemption to the rule.
Dahil ang Rule talaga para maligtas
(Sumunod kay Cristo, sa paraang pumasok sa Iglesia, at para maging Iglesia ni Cristo kailangan ang pagtanggap ng Bautismo, at pag nabautismuhan, manatiling masunurin sa mga aral, pagsamba, paghahandog, pagiibgang magkakapatid, pagpapasakop sa pamamahala at iba pa)
Bakit Exemption to the rule??
Una yong tagpo na yan ay nakapako na sa Krus si Cristo at ang dalawa niya na kasama na mga kriminal
Pangalawa, bagamat ang isang Kriminal ay naghayag ng pagsisisi sa mga kasalanan niya at pagsampalataya kay Cristo pero dahil nga sa nakapako na sila hindi na niya magagawa ang utos ni Cristo na dapat mabautismuhan para maligtas,
Pangatlo, Karapatan ni Cristo yon bilang tagapagligtas na kahit hindi nabautismuhan ang isang kriminal na nakasama niya sa krus subalit dahil nahayag ang Pananampalataya niya , pinangakuan pa rin siya ni Cristo na makakasama niya siya sa bayang Banal…
At hindi din pwedeng ma bali ang kautusan na itinuro ni cristo bago sya umakyat sa langit na
Pumasok ang tao sa kawan batay sa Juan10:7-9
Na sya din patuloy na itinuro ng mga apostol batay sa efeso5:23 colosas1:18
Kailangan natin sundin ang paraan na itinuro ng dyos sa pamamagitan ni cristo at ng mga apostol
Hindi ang sarili nating paraan
Roma10:2-3
Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos.
Hindi din sapat ang pananampalataya lamang
Santiago 2:14
Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?”
Santiago 2:2
Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya
Santiago 2:24
Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang
2025-10-24 03:35:41