@tephanie768: Salamat sa memories Grade-7🥹🤍 Bilang isang student teacher, hindi ko inakalang magiging ganito kahirap ang magpaalam. Sa bawat araw na magkakasama tayo sa pag-aaral, sa tawanan, at sa mga munting tagpong puno ng saya natutunan kong mahalin kayo hindi lamang bilang guro, kundi bilang tao. Bagama’t kailangan ko nang magpatuloy sa susunod na yugto, mananatili kayong bahagi ng aking paglalakbay. Hindi ko makakalimutan ang mga alaala at aral na ibinahagi natin, galingan ninyo palagi ha? Mahal na mahal ko kayong lahat, at naniniwala akong muli tayong magkikita sa tamang panahon. Maraming salamat sa pagkakataong maging bahagi ng buhay ninyo.❤️🥹 #Studentteacher #goodbye #teacher #memories