@itsmeyourbestie55: ANG PAGHAHANDA SA PATRONA’T PINTAKASI NG BAYANG PINAGPALA! TINGNAN | Kaugnay ng pagdiriwang ng Simbahan para sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria, at ika-44 na taong Intramuros Grand Marian Procession, ang Imahen ni Santa Ana y La Niña Maria de Hagonoy ng Pambansang Dambana at Parokya ni Santa Ana ay inihahanda na upang tumungo sa makasaysayang pinaderang lungsod ng Maynila. Sa pangunguna ng National Shrine Ministry, katuwang ang Kapatiran ni Santa Ana ay maingat at buong kabanalanag binihisan ang Imahen ni Apo Ana upang ihanda sa gaganaping prusisyon sa Intramuros. Kalakip ng gawaing ito ang taimtim na usal mula sa puso na inilalapit kay Apo Ana upang kanyang dalhin sa Apo niyang si Hesus. Kung kaya’t halina Bayan ng Diyos at agapayanan natin si Apo Ana sa patuloy niyang pagpapadama ng walang humpay na pagmamahal at biyayang buhat sa kanyang Apo na si Hesus. Magkita-kita tayo bukas sa Intramuros Maynila at sama-samang sumigaw ng Viva Apo Ana kaalinsabay ng pag-indak sa saliw ng Leriong Hagonoy! Mabuhay ang Patrona ng Bayang Hagonoy! Mabuhay si Santa Ana! #IGMP2025 #YearOfHope #SantaAnaDeHagonoy #DebotoNiApoAna #HagonoyBulacan

CAMARERO_CALLEY📿🛐
CAMARERO_CALLEY📿🛐
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 06 December 2025 05:16:31 GMT
3637
132
1
18

Music

Download

Comments

ver.villaprudente
Ver Villaprudente :
Pray for Us!
2025-12-08 16:34:58
0
To see more videos from user @itsmeyourbestie55, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About