Anne :
i’m not even saying this para makipag-away or gumawa ng mas malaking issue. i’m just being honest about how i feel. kasi kung tutuusin, hindi naman galit yung nararamdaman ko, mas lamang talaga yung disappointment. especially knowing na kaibigan ko pa naman kayo, and i never expected na darating sa point na ganito yung mararamdaman ko because of people i trusted. kasi kapag tinuring kitang kaibigan, i take that seriously. hindi lang yung tipong kasama sa saya or sa tawanan, kundi pati sa respect at loyalty. that’s why when other people talk about you, i defend you without hesitation. hindi ko iniisip kung ano sasabihin ng iba, because for me mas mahalaga yung paninindigan ko sa friendship natin. pero ang sakit lang isipin na habang ginagawa ko yun, hindi ko alam na may mga bagay palang nangyayari behind my back. parang ang hirap tanggapin na the same people i protected are the same people who made me question my own judgment. and honestly, that kind of feeling stays with you for a while. i never tried to make anyone look bad just so i can look good. hindi ko kailangan ng ganun. i always believed na kung totoo kang kaibigan sa isang tao, you protect their name even when they’re not around. because that’s what real friendship looks like for me. kaya siguro ganito yung nararamdaman ko ngayon, because i gave that kind of respect and loyalty without thinking twice. and finding out na hindi pala ganun yung nangyayari on the other side makes you step back and rethink a lot of things. hindi ko naman sinasabing perfect ako as a person. may mga pagkukulang din ako, and i’m always willing to listen if may mali man akong nagawa. but the difference is, if you had a problem with me, you could’ve talked to me directly. mas pipiliin ko pang marinig yung totoo kahit masakit kaysa sa malaman ko nalang sa iba. because at the end of the day, mas pinapahalagahan ko yung honesty kaysa sa plastic na pakikisama. i’d rather deal with uncomfortable truth kaysa sa friendship na mukhang okay sa harap pero iba pala yung nangyayari kapag nakatalikod na ako.
2026-03-05 15:48:38