@buzzedtv777: Aabot sa 100 miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) Fraternity sa UP Manila ang lumahok sa taunang Oblation Run ngayong Biyernes, December 12, 2025, bilang bahagi ng kanilang 100th founding anniversary. Dala nila sa protesta ang temang “Nilunod. Nilugmok. Ninakawan. Sigaw ng Bayan: Katarungan!” sa bahagi ng Rizal Hall ng unibersidad - na iniuugnay rin bilang isa sa mga gusaling hindi matapos sa ilalim ng mga kontratistang Discaya.