unforgettwble :
Hi… happy new year. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘to, kasi hanggang ngayon, ang labo pa rin ng lahat. Hindi kita pwedeng tawaging “ex” kasi hindi namanb tayo naging official. Pero hindi rin kita pwedeng tawaging “wala lang,” kasi alam nating pareho na hindi ka “wala lang.” Siguro tama nga yung term na "ex M.U" yung taong naging halos akin pero hindi ko talaga naging akin. Ang sakit pala ng ganitong klase ng relasyon. Walang label, pero may sakit. Walang tayo, pero may alaala. Walang commitment, pero may bigat. Ang hirap tanggapin na minsan naging sobrang espesyal ako sa’yo, tapos ngayon parang isa na lang akong nakaraan na hindi mo kailangang balikan. Minsan naiinggit ako sa mga taong naging official at naghiwalay. At least sila, may malinaw na “kami dati.” Ako, meron lang akong “almost.” Halos tayo. Halos maging akin ka. Halos maging masaya tayo. Pero puro “halos,” walang tuloy. Ang sakit maalala yung mga oras na parang may tayo, yung selos na hindi naman dapat pero ramdam, yung mga usapang pang-habang-buhay na hindi pala aabot kahit sa “bukas.” Akala ko kasi may patutunguhan tayo. Akala ko may chance. Pero ngayon, malinaw na… hanggang doon lang pala talaga tayo. Masakit kasi wala akong karapatang magreklamo, pero may karapatan akong masaktan. Wala akong titulo sa’yo, pero binigay ko yung puso ko. Hindi mo ako pinangako, pero pinaasa mo ako. Hindi mo sinabi na akin ka… pero pinaramdam mo. Pero kahit gano’n, salamat pa rin. Salamat sa sandaling naging masaya ako dahil sa’yo. Salamat sa mga gabing hindi ako nag-isa kasi nandiyan ka. Salamat sa mga ngiting hindi ko makakalimutan. Siguro hanggang dito na lang talaga. Hindi na kita hahabulin, hindi na ako aasa. Kung mahalaga man ako sayo noon, salamat. Kung hindi… salamat pa rin. Goodbye. Hindi bilang mahal mo, hindi bilang naging tayo, kundi bilang taong minsan mong pinangiti pero ngayon kailangan nang bumitaw". Send mo sa 10 tao o mamalasin ka ngayong 2026.
2025-12-31 02:56:57